Pangulong Duterte desidido ng isulong ang Federalismo sa bansa
Naging bungad ni Pangulong Duterte sa ipinatawag na press conference sa Malakanyang ang pagsusulong na ng Federalismong sistema ng pamahalaan sa bansa.
Kasama ng Pangulo na humarap sa media sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.
Pinunto ng Pangulo na kailangang itama ang problema ng bansa sa panahon ng kanyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo wala siyang ibang opsyon kundi masimulan na ang mekanismo para sa pagsusulong ng federalismo.
Inihayag ng Pangulo kung hindi maipupursige ang federalismo kailangang harapin ang epekto ng problema ng lalo na at nakapasok na ang galamay ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria nacpangunahing naghahasik ng terorismo sa ibat-ibang panig ng mundo.
Ulat ni: Vic Somintac