LTO inoobliga ng Senado na magpatupad ng mas mahigpit na patakaran sa pagre-renew ng lisensya matapos ang Tanay tragedy
Pinahihigpitan na ni Senador Vicente Sotto sa Land Transportation Office ang proseso sa pagre-renew ng lisensya lalo na ng mga pampublikong sasakyan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kaugnay ng nangyaring trahedya sa fieltdtrip sa Tanay na ikinamatay ng 14 na estudyante, sinabi ni Sotto na maraming stupid at reckless ang nagmamaneho pa ng pampublikong sasakyan.
Katunayan, sinabi ni Sotto na ang mga stupid at reckless driver ang dahilan ng maraming aksidente at matinding traffic sa mga lansangan.
Naniniwala si Sotto na kung hihigpitan ang proseso, baka 50 percent lang sa mga nag aaplay ang makapasa sa examination at mabibigyan ng lisensya.
Lumilitaw sa pagdinig na nag panic ang driver ng Panda Tours dahil sa mga pakurba at matatarik na kalsada sa Tanay Rizal kaya madalas ang paggamit nito ng preno dahilan kaya nawalan ito ng kontrol.
“Dapat higpitan niyo ang pagre-renew ng driver’s license. Pag-examinin niyo ulit. Grabe. Hindi lang mga reckless eh, ang tatanga. Sa tunay na examination, 50 percent ng drivers ang babagsak”. –Sen. Sotto
Ulat ni: Mean Corvera