DENR Sec. Gina Lopez hindi umano nagpatupad ng due process sa ginawang pagpapasara sa mga minahan
Nabigo si Environment Secretary Gina Lopez na magpatupad ng due process at hindi ikinonsulta sa iba pang ahensya ng gobyerno nang suspindihin ang limang minahan at ipatigil ang operasyon ng dalawamputtatlong iba pa.
Sa meeting na ipinatawag ng Commission on Appointments, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na dapat komunsulta muna si Lopez sa Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development para sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
Si Dominguez ang co-chair ng Mining Industry Coordinating Council na inatasan ng Pangulo na magsagawa ng technical review sa ginawang mining audit.
Sa imbestigasyon ng MICC, umaabot sa labing-anim na Local Government Units ang apektado ng pagsasara ng mga minahan habang umaabot naman sa ₱821M ang mawawala sa ekonomiya.
Nangangamba si Dominguez na mahaharap sa sangkatutak na reklamo ang gobyerno kapag itinuloy ang rekomendasyon ni Lopez na pagpapasara ng mga minahan.
Ulat ni: Mean Corvera