Justice Sec. Aguirre kinumpirma na may natanggap siyang mga ebidensya ng kurapsyon sa nakaraang administrasyon
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nasa kamay na niya ang mga “highly credible evidence” ng kurapsyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng nakaraang Pamahalaang Aquino at mga miyembro ng Liberal Party.
Ayon sa kalihim, ang mga dokumento ay ibinigay sa kanya ng dating tagasuporta ng Aquino administration na si Council for Philippine Affairs secretary-general Pastor Boy Saycon.
Tumanggi magbigay ng detalye si Aguirre dahil kailangan pa niyang pag-aralan ang mga makapal na dokumento.
Kabilang sa mga ito ay mga kontrata, resibo, at iba pang ebidensya na may kaugnayan sa sugal at hindi deklaradong campaign contributions.
Kinasasangkutan ito ng mga malalaking personalidad mula sa nakalipas na gobyerno at ang ilan sa mga dokumento ay kaugnay sa PAGCOR, at Cagayan Economic Zone Authority.
Inihayag pa ni Aguirre na nagpasya si Saycon na i-turn over ang mga nasabing dokumento dahil sa naniniwala itong sinsero si Pangulong Duterte sa pagsugpo sa katiwalian sa pamahalaan.
Ulat ni : Moira Encina