DOJ panel of prosecutors na nag-imbestiga sa pagkamatay ni Albuera Mayor Espinosa, may rekomendasyon na
Nakatakda nang ilabas ng DOJ anomang araw ang resolusyon ng panel of prosecutors kaugnay sa kaso ng pinatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pirma na lamang ni Prosecutor General Victor Sepulveda ang hinihintay para maipalabas ang rekomendasyon ng DOJ panel na pinangungunahan ni Senior Deputy State Prosecutor Lilian Doris Alejo.
Pinag-aaralan pa anya ni Sepulveda ang balangkas na resolusyon ng panel of prosecutors.
Noon pang Pebrero a-dos, natapos ang preliminary investigation ng DOJ sa kaso.
Si Espinosa at ang isa pang preso ay napatay sa raid ng grupo ng CIDG Region 8 sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City noong November 5, 2016.
Ayon sa grupo ni PNP-CIDG Region 8 Chief, Supt. Marvin Marcos, nanlaban si Espinosa at armado ng baril kahit nasa loob ng selda.
Sa imbestigasyon ng NBI, rubout at hindi shootout ang nangyari kina Espinosa.
Ulat ni: Moira Encina