Buntis Congress, isinulong para maging ganap na batas ang panukalang expanded maternity leave
Matagal na ring pinag-uusapan ang tungkol sa pagpapalawig ng maternity leave mula 60 days to 120 days.
Umaasa ang mga author ng 120 days expanded maternity leave na maging ganap na batas na ito.
Nakapasa na ito sa Committee level ng Committee on Women and Gender Equality at nasa ikalawang pagbasa na sa plenaryo.
Mula sa kasalukuyang animnapung araw ay magiging 120 days na ang bakasyon ng mga nanay para mas lalo pa nilang matutukan ang pag aalaga sa kanilang bagong silang na sanggol.
Kasal man o hindi ay pasok sa panukalang batas na ito at kung solo parent naman ay may dagdag pang 30 araw.
Kung ikukumpara sa ibang bansa, napag iiwanan na ang Pilipinas kung ang pag uusapan ay haba ng maternity leave ng isang babaeng nanganak.
Sa Vietnam ay mayroong 120 hanggang 180 days, Singapore, 112 days, Cambodia, Indonesia, Myanmar at sa Thailand ay may 84 days maternity leave.
Mas maikli pa rin ang sa Pilipinas kumpara sa 98 days na mandato ng ILO.
Ulat ni: Anabelle Surara