Kampanya para sa masusustansyang pagkain sa ikaiiwas sa karamdaman ng mga mag aaral, lalong paiigtingin ng DEPED
Maaaring masampahan ng kasong administratibo ang sinumang kawani nagtuturo man o hindi nagtuturo na lalabag sa inilabas nilang Department Order o D.O. #13 series of 2017 na nagsasaad ng kampanya sa masustansyang pagkain para makatiyak ng kalusugan ng mga magaaral.
Hiniling din ni DEPED Asec. Tonisito Umali,na maghigpit sa pagbibigay ng permit sa mga tindahan ng pagkain para maiwasan ang pagbebenta ng mga pagkaing makapipinsala sa kalusugan ng mga bata.
Sa naturang D.O., magkakaroon ng color coding tulad ng green o ang go, grow at glow food at dapat na ito ay makita sa school canteen at dapat ay always available.
Ang yellow category ay dapat na itinda isa o dalawang beses sa loob ng isang linggo, habang ang mga nasa red category naman ay ang mga pagkaing hindi dapat na ibenta dahil sa sagana ito sa fat, salt at sugar.
Ulat ni: Anabelle Surara