Ilang bahagi ng Mindanao, isinailalim sa flood alert ng PAGASA
Nagtaas ng flood alert ang PAGASA sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Sa kanilang heavy rainfall warning, sinabi ng weather bureau na dulot ito ng tail-end ng cold front.
Kabilang sa sakop ng babala ang mga probinsya ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Norte, Bukidnon, Misamis Oriental.
Bukod dito, may na-monitor ding ulan sa North Cotabato, Zamboanga del Norte, Cotabato City, Lanao del Sur, Zamboanga Sibugay, Samal Island, Davao City at Davao Occidental.
Please follow and like us: