Malacanang, itinuro ni Trillanes na utak sa panibagong paninira sa Pangulo
Malacanang ang itinuturo ni Senador Antonio Trillanes na nasa likod ng paglutang ng isang testigo na umano’y sinuhulan ng kaniyang staff para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang lumutang ang nagpakilalang negosyante na si Guillerma Arcilla para ibunyag ang umano’y ginawang panunuhol ng staff ni trilanes na si Atty. Jude Sabio para kumbinsihin na idawit si Duterte sa umano’y operasyon ng illegal drugs sa Davao City.
Pero ayon kay Trillanes, posibleng pakawala ito ng Palasyo para sirain ang kaniyang kredebilidad.
“ Lahat ng dirty tactics dirty tricks ginagawa na nila..akala nila we don’t know anything.. hindi kami magpapasunog, ang galing sana propaganda nun si Duterte involve sa drugs pero hindi naming pinatulan kasi nakita kaduda duda”. –Sen. Trillanes
Inamin ni Trillanes na Nobyembre noong nakaraang taon lumapit sa kaniyang tanggaan si Arcilla para humingi ng tulong at mailabas ang mga umanoy katiwaliang kinasasangkutan ng Pangulo.
Pero hindi nila ito pinilit na magsalita at tanging si Arcilla ang nagsalaysay ng kaniyang mga nalalaman sa mga umanoy kinasasangkutang anomalya ng Pangulo.
Katunayan sa kopya ng kanilang video footage, kusa itong nagsalaysay at ito ang nagdawit sa Pangulo sa umano’y cocaine operations.
Sa salaysay ni Arcilla, nakita umano nito si Duterte na sinalubong ang isang shipment sa Pier ng hinihinalang cocaine at tinikman pa ito ng noon ay Alkalde pa lamang na si Duterte.
Ulat ni : Mean Corvera