DOH , ginugunita ngayong linggo ang Head and Neck Consciousness Week

Batay sa Presidential Proclamation  1676, itinalaga ang huling linggo ng Abril  bilang head and neck consciousness week. (april 24-30, 2017).

ang mga aktibidad kaugnay ng nabanggit na pagunita ay pangungunahan ng philippine society of  Otolaryngology o PSO ng Department of Health.

Ayon sa PSO, ang selebrasyon  ng head and neck consciousness week ay isang panawagan para sa implementasyon ng intensive information dissemination campaign tungkol sa prevention,  early diagnosis, at prompt treatment ng sakit na head and neck cancer at mahadlangan ang anumang social effects nito.

Bukod dito,layunin din ng selebrasyon na  maitaas din ang awareness o kamulatan ng publiko tungkol sa mga sakit na dumadapo sa leeg at bahagi ng ulo.

Sinabi naman ni  Dr. Louie Gutierrez, ENT specialist mula sa East Avenue Medical Center na hindi dapat na ipinagwawalang bahala ang mga sakit na  nakaaapekto sa ulo at leeg, tulad na lamang ng pagkakaron ng bukol sa teynga, sa ilong  at sa leeg, mga bukol na tulad ng tinatawag na kulani.

Ayon pa kay Dr. Gutierrez, ang karaniwang bukol na matatagpuan sa leeg ay ang tinatawag na bosyo o goiter at karamihan ay kababaihan ang nakararanas ng bukol sa leeg.

Ulat ni : Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *