Bus tragedy sa Nueva Ecija pinaiimbestigahan ni Sen. Pacquiao

Pinaiimbestigahan ni Senador Manny Pacquiao ang nangyaring aksidente sa Carranglan, Nueva Ecija na ikinamatay ng mahigit tatlumpung pasahero.

Sa Senate Resolution 346, nais ni Pacquiao na tignan ang mga umiiral na road safety policy at regulations.

Kailangan aniyang amiyendahan ang mga umiiral na batas dahil hindi na ito tumutugma para protektahan ang milyun milyong pasahero at mga pedestrian.

Nakakabahala aniya ang sunod-sunod na aksidente na nangyayari sa mga lansangan kung saan ilan ay dulot ng kawalan ng road signs at palpak na mga imprastraktura.

“We have witnessed these past few months a surge in the number of road accidents, the recent of which involved a bus in Nueva Ecija that claimed the lives of more than 30 people. The Office of Civil Defense in Region 2 said 35 people were killed when the Abra-bound Leomarick bus fell into a ravine in Carranglan, Nueva Ecija province last April 18”. –Sen. Pacquiao

Iginiit ni Pacquiao na hindi tumutugma sa international standards ang marami sa mga traffic signs lalo na sa mga delikadong lugar.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *