Dating baranggay officials sa 5th District ng Maynila,hinatulang mabilanggo ng MRTC

Pinatawan ng Manila Regional Trial Court ng parusang pagkakabilanggo ang mga dating opisyal ng  barangay sa ikalimang distrito ng lungsod matapos mapatunayang guilty sa kasong katiwalian.

Partikular na hinatulan ng guilty ng Manila RTC Branch 25 sina Dating Chairman Lara Mae Reyes at Barangay Treasurer Stephanie Belle Mano ng Barangay 748, Zone 81 ng District 5.

Ang kaso ay kaugnay sa illegal reimbursement ng gastos sa pagpapagasolina na nagkakahalaga ng sampung libong piso noong 2004.

Anim hanggang sampung taong pagkakakulong at panghabang buhay na disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno ang ipinataw ni Presiding Judge Marlina Manuel laban sa dalawa para paglabag sa anti graft law

Ang dalawa ay hinatulan ding mabilanggo ng anim hanggang Labing tatlong taon dahil naman sa apat na bilang ng kasong malversation of public fund through falsification.

Sina Reyes at Mano ay inaatasan din na magbayad ng multa na 2,500 pesos para sa bawat paglabag.

Nabatid na nag-reimburse ang mga akusado ng halagang 10,000 pesos noong 2004 para sa gasolina ng sasakyan na hindi naman na nagagamit dahil sira na.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *