Mga taga Palawan at Marinduque, patuloy na pinag iingat ng DOH MIMAROPA sa pinsalang dulot ng Marcopper at Mercury
Mayroon pang mga naiwang mining tailings sa Palawan at Marinduque.
Ito ang inihayag ng DOH MIMAROPA o Region IV-B.
Dahil ditto, , pinagiingat ng naturang ahensya ng pamahalaan ang mamamayan sa mga naturang lugar sa pinsalang idudulot ng Marcopper at Mercury.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Regional Director ng DOH MIMAROPA, ang Marcopper at Mercury ay may masamang epekto sa hangin, lupa, tubig, isda at higit sa lahat sa kalusugan ng tao.
Kaya naman patuloy ang isinasagawang pagsusuri sa mga lamang-dagat at health tests ng DOH MIMAROPA.
Sinabi ni Janairo na kapag lumabis ang Mercury intake, maaari itong magdulot ng pagkasunog ng bituka.
Ulat ni: Anabelle Surara