Insidente ng Stroke, Heart Attack at Kidney disease, target mapababa ng NEGH

Sa pagsapit ng New Era General Hospital o NEGH sa kanyang 24th founding anniversary, kitang kita ang lalong pag-unlad nito lalo na sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan ng mga pasyente.

Sinabi ni Dr. Sergie Santos, Assistant Medical Director ng naturang pagamutan na halos kumpleto na ang NEGH ng ibat ibat departamento tulad ng Department of Internal Medicine, Department of Surgery, Department of Pediatrics, Department of Obstetrics and Gynecology, Department of Ears, Nose and Throat, Department of Opthalmology, Laboratory Diagnosis at Radiology.

Tunay aniyang maihahanay ang NEGH sa isang World class na pagamutan.

Binigyang diin ni Dr. Santos na mahalagang maunawaan ng tao na ang kalusugan ay hindi dapat na binabalewala at kailangang maglaan ng oras para ito ay pangalagaan.

Samantala, sinabi rin ni Dr. Santos na bahagi pa rin ng pagpapanatiling malusog ng katawan ng mga empleado ng NEGH ay nagsagawa sila ng aktibidad pangkalusugan na tinawag na amazing race.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *