Bayan Muna Partylist, tutol sa pag-upo ni Cimatu sa DENR

Kabado ang Bayan Muna Partylist sa pag-upo ni Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng DENR.

Sinabi ni Bayan Muna Rep.  Carlos Isagani Zarate na nakakatakot ang record ni Cimatu noong nasa militar pa ito na maaaring maipagpatuloy sa bago nitong posisyon.

Hindi aniya mabubura ang record nito bilang isa sa naging tagapagpatupad ng madugong Oplan Bantay Laya sa ilalim ng Arroyo administration na pumuntirya sa mga makakaliwa.

Potentially disastrous kung ituring ni zarate si Cimatu sa DENR  dahil nasangkot na ito noon sa maling paggamit ng pondo ng militar noong uso pa ang pasalubong at pabaon  sa nauupong opisyal ng AFP.

Kung ito ang pagbabasehan, sigurado na ang mangingibabaw na naman ay ang mining companies gaano man kapanganib ang operasyon ng mga ito sa kalikasan.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *