Sen. Antonio Trillanes sinuportahan si Pangulong Duterte sa pagtatalaga kay retired Gen. Año sa DILG

Philippine President Benigno Aquino (R) looks at the colours with incoming army chief Major General Eduardo Ano (L) during a handover ceremony in Manila on July 15, 2015. The president is facing his last year in office and cannot run for re-election, raising concerns about the continuity of his reforms that have helped boost the impoverished country's economy and its international standing. AFP PHOTO / Jay DIRECTO

Sa pambihirang pagkakataon, sinuportahan ni Senador Antonio Trillanes ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maitalaga si AFP Chief of Staff General Eduardo Año bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Ayon kay Trillanes, welcome development ang hakbang na ito ni Pangulong Duterte.

Ang mga katulad aniya ni General Año  ang kailangan ng bansa ngayon lalo na sa problema sa peace and order.

Hindi aniya matatawaran ang mga accomplishment ni General Año bilang military officer.

Taglay din ni Año ang mga katangian ng isang mahusay na lider na kailangan sa kanyang bagong tungkulin.

Pero hirit ni Trillanes, sana ay hindi ilaglag ng Pangulo si Año sa Commission on Appointments tulad ng ginawa kay Gina Lopez.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *