Asec. Mocha Uson gagamiting tulay ni Pangulong Duterte sa masang Pilipino sa pamamagitan ng social media
Nilinaw ng Malakanyang ang job discription ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na tutukan ni Uson ang information dissemination ng mga programa ng administrasyon sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Andanar sakop din ng trabaho ni Uson ang pagpapakalat ng impormasyon at pagkuha ng hinaing ng mga Overseas Filipino Workers para direktang maiparating kay Pangulong Duterte.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagtanggol kay Uson sa mga kritiko na kumukuwestiyon sa appointment nito sa Presidential Communications Group.
Ulat ni : Vic Somintac
Please follow and like us: