Kahilingan na ibaba ang pay hike sa Western Visayas, tinanggihan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board
Ibinasura ng National Wage and Productivity Commission ang apela ng mga business organization sa Western Visayas na babaan ang increase sa daily minimum wage sa nasabing Rehiyon.
Ayon kay Wennie Sancho, labor representative ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa Western Visayas hindi pinayagan ang kahilingan ng siyam na business organization na babaan ang daily minimum wage.
Hiniling ng mga business organization sa Western Visayas na mababaan ang P25 ng P15 increase sa daily minimum wage.
Una rito, inaprubahan ng RTWPB at NWPC ang increase sa daily wage na nagsimula noong March 16.
Sakop din nito ang mga trabahador sa mga pribadong sektor.
Ulat ni : Carl Marx Bernardo