Anim na milyong Pilipino, diabetics ayon sa mga eksperto
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong may diabetes sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, itinuturing ng mga nasa medical community na “the father of Philippine endocrinology” na mas dapat katakutan ng tao ang pagkakaroon ng diabetes, kaysa sa iba pang mga sakit dahil sa bawat anim na segundo, may isang tao sa buong mundo ang namamatay sanhi ng diabetes at kumplikasyon nito, mas marami kaysa sa namamatay dahil sa aids, zika virus infection at maging dengue.
Paliwanag ni Litonjua, sa isang daang milyong mga Pilipino ngayon, may prevalence na anim punto isang porsiyento ang diabetic o anim na milyong Pilipino.
Sinabi pa ni Litonjua na kabilang ang Pilipinas sa itinuturing na “hot spots” sa Southeast Asia dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng prevalance ng mga dinadapuan nito.
Kaya naman, muling binigyang diin ni Litonjua na laging iwasan ang tatlong “k” na maaaring maging sanhi ng diabetes…ito ang Katabaan, Katakawan at Katamaran.
Ulat ni: Anabelle Surara