Junk foods at soft drinks sa mga paaralan sa QC , ipagbabawal na
Naipasa na ng Quezon City government ang Ordinance na pinagbabawal ang pagbebenta ng junk foods at softdrinks sa lahat ng paaralan sa Quezon City.
Pinirmahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Anti-Junk Food and Sugary Drinks Ordinance.
Ang pagbenta ng junk food at soft drinks ay pinagbabawal sa loob ng 100 meter radius ng private at public preparatory, elementary at high schools sa lungsod.
Papatawan ang mga lalabag sa batas ng ₱1,000 para sa 1st offense, ₱2,000 sa second, at ₱5,000 at kasama na ang pagbawi sa business permit sa third offense.
Babantayan ng isang joint task force ang implementasyon ng nasabing ordinansa.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo