Physical therapy exercise para sa mga pasyenteng may sakit na pangmatagalan , patuloy na isinasagawa sa DOH MIMAROPA

Tuturuan ng Department of Health-MIMAROPA o DOH-Region 4-B,  ang mga family caregiver o mga tagapag-alaga ng mga pasyenteng may pangmatagalang sakit ng mga simpleng physical therapy exercise.

Ayon kay DOH MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo, maraming mga pasyenteng may pangpamatagalang sakit ang nangangailangan ng tulong lalo na kapag sila ay maliligo, magbibihis at maging sa pag inom ng kanilang gamot.

Layunin ng ganitong aktibidad na makatulong sa mga pasyente na mapadali ang kanilang paggaling o recovery.

Sinabi ni Janairo na kabilang sa kanilang ginagawa ay ang pagtuturo sa mga family caregiver at mga trainee ng ilang uri ng ehersisyo.

Halibawa nito ay range of motions, na may malaking maitutulong para mabisan kundi man malunasan agad ang pananakit, pamamaga at paninigas ng mga joints o kasu-kasuan ng pasyente.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *