Mga kababaihang Tanaueño, sasailalim sa libreng cervical cancer screening

Pangungunahan ng Batangas City Health office ang libreng cervical cancer screening sa Mayo 29, 2017 na gaganapin  sa Governor Modesto Castillo Memorial Cultural Center.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa Proclamation No. 368 ng Department of Health (DOH) na nagdedeklara sa buwan ng Mayo bilang “Cervical Cancer Awareness Month”.

Ito ay naglalayong matukoy ay mabigyang lunas ang mga dahilan ng pagkakasakit at pagdami ng bilang ng mga namamatay na kababaihan sanhi ng karamdamang nay kaugnayan sa cervical cancer.

 

Batay sa tala ng pamahalaang lungsod,patuloy ang pagtaas ng bilang ng maternal mortality sa mga nagbubuntis at nanganganak. Ilan sa mga pangunahing dahilan nito ang kawalan ng kakayahan na matustusan ang kanilang regular na medical check up at kakulangan ng tamang impormasyon.

Taong 2014 nang unang isinagawa ang programa kung saan ginagawa ang visual inspection with acetic acid wash.

Layon rin ng paglulunsad ng programa na mabigyan ng kamalayan ang mga kababaihang Tanaueno sa pag-angat ng kalidad ng kaalaman sa masusing pangangalaga ng pagkababae upang makaiwas sa mga sakit na tulad ng Sexually Transmitted Infections (STIs), Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *