Smoking Ban, dapat seryosohin ayon sa health advocates
Sa pagkakalagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order no 26 o ang Nationwide Smoking Ban, maraming grupo ng health advocates ang nagalak.
Kabilang dito ang New Vois Association of the Philippines, Southeast Asia Tobacco Control Aliance , Health Justice Philippines at iba pa.
Ayon sa mga nabanggit na Health advocate groups, dapat na seryosohin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng naturang kautusan dahil malaki ang maitutulong nito sa ikapagkakaroon ng malusog na mamamayan, ng komunidad at maging ng bansa.
Dapat ding mag usap usap ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng DOH, DILG, dDOTr, DEPED, at DTI, para makabuo ng Implementing Rules and Regulation bago dumating ang July 16 na siyang takdang araw ng pagpapatupad ng EO 26.
Sa panig ng DOH, mahalaga din na makapaglunsad ng isang malawakang information dissemination campaign para lalong maipalaganap sa publiko ang Nationwide Smoking Ban.
Ulat ni: Anabelle Surara