Privilege of Writ of habeas corpus hindi otomatikong masususpinde kasunod ng Martial Law declaration – NUPL
Nilinaw ng National Union of People’s Lawyers o NUPL na hindi otomatikong masususpinde ang privilege of the writ of habeas corpus kasunod ng deklarasyon ng batas mil hindi otomatikong itar sa Mindanao.
Sa privilege of the writ of habeas corpus , maaring kwestiyunin ng isang mamamayan ang legal na batayan ng pag-aresto sa kanya at hilingin ang agaran niyang paglaya.
Ayon pa sa NUPL, ang pag-iral ng Martial Law ay hindi magsususpindi sa pag-iral ng saligang-batas.
Ang Batas Militar ay hindi rin anila pumapalit sa panunungkulan ng mga civil courts o mga legislative body.
Paliwanag pa ng grupo hindi rin maaring ibigay sa mga military court ang hurisdiksyon sa mga sibilyan kung nakakaganap naman ng tungkulin ang mga civil courts.
Ulat ni: Moira Encina