Martial Law declaration malabong i-revoke ng Kongreso – Cong. Biazon

Malabong ipawalang saysay ng Kongreso ang Martial Law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Ayon kay House Defense Committee Senior Vice Chairman Ruffy Biazon hindi ire-revoke ng Kongreso ang deklarasyon na ito ng punong ehikutibo sapagkat nakikita ng mga mambabatas ang pangangailalngan para dito.

Ito ay paraan aniya para malutas na rin ang problema ng Mindanao hinggil sa karahasan.

Gayunman, naniniwala si Biazon na sapat na ang 60 araw para sa pagpapatupad ng batas militar.

Iginiit ng kongresista na hindi na ito kailangan palawigin pa.

Dagdag pa nito, tama lamang ang tactical move ni Pangulong Duterte na ipatupad sa buong Mindanao ang batas militar sapagkat hindi maiaalis ang posibilidad na magkaroon ng spill over sa ibang bahagi ng bansa ng gulong nangyayari ngayon sa lungsod ng Marawi dahil sa Maute group.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *