Eagle Broadcasting Corporation pinangunahan ang clean-up drive sa Obando, Bulacan
Dahil sa inaasahang pagpasok ng tag ulan, nagsagawa ng clean up drive ang mga empleado ng Eagle Broadcasting Corpoation sa Obando, Bulacan.
Ang Obando ay isa sa mga lugar na matinding binabaha tuwing may bagyo at malakas ang ulan.
Sinuyod at nilinis ng may isandaang empleado ng radyo agila, pinas fm at net 25 ang santambak na basura sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig.
Sako-sakong basura ang nakuha ng mga empleado mula sa paligid ng palengke at residential area.
Binomba rin ng tubig ang ilang maruming kalye at estero na madalas pinangingitlugan ng lamok at mga bacteria.
Bahagi ito ng itinataguyod na social responsibility ng Eagle Broadcasting Corporation na protektahan ang kalikasan at kalinisan sa mga mga komunidad sa ilalim ng temang “Pangangalaga sa kalikasan para sa kinabukasan”.
Ginagawa rin ito ng EBC para maipromote ang positive environmental action sa mga komunidad.
Bukod sa mga empleado, katuwang ng Eagle Broadcasting Corporation ang mga kagawad ng SCAN International, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.
Ang lokal na pamahalaan ng Obando, saludo naman sa inisyatibo ng eagle broadcasting Corporation.
Sa nakalipas na dalawampung taon, ngayon lang nagkaroon ng ganitong clean up drive sa kanilang lugar.
Pagkatapos ng clean up drive, nakiisa ang mga ito sa isang boddle fight.
ulat ni Mean Corvera