Regalado Highway pansamantalang isasara para sa konstruksiyon ng MRT-7

Isasara ang ilang parte ng Regalado Highway sa Quezon City, simula sa June 16 para sa construction ng Metro Rail Transit Line 7.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) isasara ang daan hangang August 15.

Gumawa ang DOTr katuwang  ang Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Authority, Quezon City Department of Public Order and Safety at project contractor EEI Corporation ng isang task force para gumawa ng isang traffic enforcement plan habang nakasara ang kalye.

Inaasahan na matatapos ang MRT-7sa taong 2020.

Magkakaroon ng 14 station ang MRT-7 na mula sa North Avenue joint station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala at San Jose del Monte.

Nakaplano na idugtong ang MRT-7 sa MRT-3.

Kapag natapos ang MRT 7, inaasahan na mababawasan ang dalawang oras na pagbiyahe mula North Avenue station hanggang San Jose del Monte magiging 30 minutes na lamang ito.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *