DOH at FDA , nagtulong sa pagkontrol ng paggamit ng e-cigarettes at vaporizers

Muling binigyang diin ng Department of Health at Food and Drug Administration na hindi  sakop ng Executive Order #26 o ang Nationwide Smoking Ban ang pagpigil sa pag gamit ng e-cigarettes at vaporizers, kung kaya naman malaya ang mga smoker na gumamit ng mga nabanggit.

Sinabi ni Health Sec. Paulyn Ubial na pinag aaralan nila ang paglalabas ng hiwalay na kautusan  kaugnay ng paggamit ng e-cigarettes na hanggang sa kasalukuyan ay laganap pa rin ang bentahan.

Ayon pa kay Ubial, hindi pa rin matanggap ng maraming smokers na may masamang epekto rin sa katawan ang pag gamit ng e-cigarettes at vaporizers.

Samantala, bukas, Mayo 31, ipinaalala ng kalihim na gugunitain ang World No Tobacco  Day  2017 kung saan ang tema ng selebrasyon ay “Tobacco- a threat to development”.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *