Milyong batang Pilipino hantad sa panganib sanhi ng bulate ayon sa mga eksperto

Panganib sa kalusugan ang dulot sa bata kung siya ay may alaga sa tiyan o may bulate.

Ayon kay Dr. Vicente Belizario, isang Infectious Disease Specialist at Epidemiologist mula sa University of the Philippines Manila, sa kanilang pag aaral, milyong mga bata ang may bulate at ang pagkakaroon nito ay mayroon ding kaugnayan sa kahirapan ng pamumuhay.

Sinabi pa ni Dr. Belizario na kapag ang isang bata ay may bulate, nagiging sanhi ito para siya ay maging malnourished dahil napipigilan nito ang kanilang paglaki at nagiging dahilan naman para maging mahina ang kanilang performance sa school.

Binigyang diin ni Dr. Belizario na ang Department of Health ay may programang National Deworming na isinasagawa tuwing Enero ng bawat taon.

Ito ay may malaking naitutulong sa mga batang mag aaral sa pampublikong paaralan upang sila ay mapurga.

Mahalaga din aniyang maturuan ang mga bata na ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at gumamit ng sabon sa paghuhugas ng mga kamay.

 Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *