Dengue awareness, ginugunita ng DOH ngayong buwan, samantala, Wild Diseases, dapat ding bantayan para maiwasan
Opisyal nang ideneklara ng PAGASA weather forecasting center ang onset ng tag ulan.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang Department of Health sa publiko tungkol sa mga sakit na maaaring makuha sa ganitong klase ng panahon, partikular ang Dengue kaya ngayong buwan ay ginugunita ang Dengue awareness.
Ayon kay DOH Asec Dr. Eric Tayag , nagpapatuloy ang kanilang kagawaran sa pagpapaigting ng kampanya upang makibahagi rin ang mga komunidad sa pag iwas sa mga sakit ngayong tag ulan.
Sinabi ni Tayag na ang mga sakit na posibleng makuha ngayong tag ulan ay water borne infections, influenza, leptospirosis, at dengue o tinatawag na wild diseases.
Binigyang diin ni Tayag na ang mga nabanggit ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng katawan at ng kapaligiran, pagkain ng masustansyang pagkain, pagsusuot ng damit na panlaban sa lamig at paggamit ng pananggalang sa ulan.
Paalala pa ni tayag, laging tandaan na “an ounce of prevention is better than a pound of cure”.
Ulat ni: Anabelle Surara