Pilipinas, kabilang sa pag-bid ng 2023 FIBA World Cup

Nananatili ang pag-asa ng Pilipinas na mag-host sa 2023 FIBA World Cup.

Ang Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia ay bahagi ng joint bid na interesadong mag-host sa World Cup.

Makakalaban ng Pilipinas sa bidding ang ilang bansa sa Europa gaya ng Russia at Turkey na nagsumite na ng kanilang single host bids habang ang Argentina naman at Uruguay ay nagsumite na ng joint hosting application.

Umaasa naman ang FIBA Central board na maraming mga bansa pa ang tiyak na magsusumite dahil hanggang sa Agosto pa ang deadline nang pagpasa sa mga interesado sa hosting.

Magugunitang nakuha ng China ang 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa walong lunsod ng bansa at dadaluhan ng 32 mga bansa para sa award.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *