Ilang paraan para maiwasan ang suffocation ayon sa DOH

Maaaring maiwasan na mamatay sa suffocation kapag nakulong sa sunog.

Ito ang binigyang diin ni DOH Asec. Dr.  Eric Tayag, matapos ang insidenteng naganap sa Resorts World Manila na ikinasawi ng mahigit tatlumpu.

Ayon kay Tayag, upang makaiwas at makaligtas sa sunog, dapat na dumapa at gumapang sa ilalim ng usok palabas ng pintuan.

Kumuha ng basang tela at  takpan ang ilong.

Ayon kay Tayag, ang apoy sa sunog ay naglalabas ng toxic gases tulad ng carbon monoxide, hydrogen cyanide at hydrogen sulfide na dahilan para agad na mamatay ang biktima.

Pinipigil nito ang paggamit ng oxygen na nasa ating katawan.

Payo pa ni Tayag, huwag magpanic, upang makagawa ng paraan upang makaligtas bago humingi ng tulong dahil mahalaga ang bawat segundo.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *