Kongreso, nakapagpasa ng apat na batas sa loob ng isang taong sesyon

Matapos ang isang taong sesyon, apat na batas na ang naipasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso at nilagdaan ni  Pangulong Duterte.

Kinabibilangan ito ng RA 10923 o pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong 2016, RA 10924 o General Appropriations Act of 2017, RA 10925 o prangkisa ng GMA Network at  RA 10936 o prangkisa ng Smart Communications.

Pitong panukala rin ang inaprubahan ng dalawang kapulungan na naghihintay na lang ng lagda ng Pangulo.

Kasama na rito ang pag-amiyenda sa Revised Penal Code, libreng Internet Access sa public places, Free Higher Education Act, Anti Hospital Deposit Law for Emergency Cases, pagpapalawig sa validity ng pasaporte mula lima hanggang sampung taon, pagpapalawig ng validity ng driver’s license at pag-amiyenda sa Anti Money Laundering Act  na isasama na ang mga casino.

Tatlong tratado rin ang inaprubahan ng Senado gaya ng Paris Climate Deal, China-led Asian Infrastructure Investment Bank at Philippine Japan Agreement on Social Security.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, labindalawang batas rin ang inaprubahan ng Senado pero wala pang counterpart Bill sa Kamara.

Ang sesyon ng dalawang kapulungan ay magbabalik sa July 24 sa araw ng SONAni Pangulong Duterte.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *