Legal opinion ni dating DOJ Sec. de Lima sa isyu ng for safety regulation kasama sa imbestigasyon ng NBI sa Resorts World attack

Uungkatin ng NBI sa imbestigasyon nito sa pag-atake sa Resorts World Manila  ang legal opinion ni Senadora at dating Justice Secretary Leila de Lima sa isyu ng fire safety regulations.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nag-isyu si de Lima noong 2014 ng legal opinion na nagsasabing hindi maaring ipatupad ng Bureau of Fire Protection ang fire safety laws at regulations sa mga casino.

Anya sinabi ni de Lima na ang naturang gampanin ay nakaatang sa Philippine Economic Zone Authority kahit wala itong kapasidad na gawin ito.

Sinabi ni Aguirre na titingnan nila ang posibleng epekto ng legal opinion ni de Lima.

Pero nilinaw ng kalihim na hindi kasama sa imbestigasyon si de Lima maliban kung lalabas na nagkaroon ng  iligal na konsiderasyon sa inisyu nitong legal opinion.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *