Karagdagang 10 milyong piso, inialok ni Pangulong Duterte para sa ikadarakip ni Isnilon Hapilon

Sampung milyong piso ang inialok ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikadarakip ni Abu Sayaff leader at sinasabing “Emir” ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS Isnilon Hapilon.

Bukod kay Hapilon, nag-alok rin ng tig-5 milyong pisong pabuya ang Pangulong Duterte para naman sa ikadarakip rin ng dalawang Maute brothers na sina Abdullah at Omar.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP spokesperson Chief General Eduardo Año, si Hapilon ay mayroong outstanding arrest warrant para sa kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention.

Sinabi ni Año na malaki ang maitutulong ng naging panawagang ito ng pangulong Duterte para tuluyan nang madakip ang nasabing mga terorista at magiging daan din upang tuluyan nang mawakasan ang mga kaguluhan sa Maraw City.

Una nang nagpatong ng 5 milyong dolyar na pabuya para sa ikadarakip ni Hapilon ang pamahalaang Amerika bukos pa ito sa pabuyang 7.4 milyong piso mula naman sa pamahalaang Pilipinas.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *