₱79M cash at mga tseke nasamsam ng militar sa pinaniniwalaang kuta ng Maute group sa Marawi City

Halos ₱79M halaga ng pera at mga tseke ang nadiskubre sa isang bahay sa Marawi City na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng Maute fighters.

Mga tauhan ng Philippine Marines ang nakadiskubre sa bahay sa Bayan ng Mapandi, kung saan aabot sa ₱52.2M na cash at tseke na nagkakahalaga ng ₱27M ang nakuha.

Ang sinalakay na bahay ay pinaniniwalaan ng mga otoridad na safehouse ng Maute group.

Wala pa namang ibinigay na impormasyon ang Philippine Marines kung mayroon silang naabutang miyembro ng teroristang grupo sa lugar.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing sa illegal drug money ang pondo na ginagamit ng mga miyembro ng Maute.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *