Pagtaas ng dropout rate sa bansa dahil sa kakulangan ng silid-aralan – ACT Teachers
Kakulangan sa silid-aralan sa mga pampublikong eskwelahan ang nakikitang dahilan nina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ng pagtaas ng dropout rate sa bansa.
Iginiit ng mga mambabatas na bukod sa kakulangan sa classrooms lalu na sa high schools , hindi rin sapat ang pondo para sa maintenance at operations.
Sa datos ng ACT Teachers, sa apat o limang elementary schools sa bansa, pinagkakasya ng mga ito ang mga estudyante sa iisang high school dahilan kaya hindi nakakapag-aral ng mabuti ang mga estudyante okaya ay pinipili na lamang na huminto sa pag-aaral.
Hindi rin anila epektibo ang voucher na ibinibigay ng gobyerno sa mga mahihirap na estudyante dahil umabot sa 4.8 milyon ang mga out of school youth at tumaas pa ito ng 11% sa loob ng limang taon.