Malakanyang handang ipagtanggol sa Korte Suprema ang Martial Law sa Mindanao
Naninindigan ang Malakanyang na legal at naayon sa saligang batas ang batayan ni Pangulong Duterte ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na malinaw na mayroong invasion at rebellion sa Marawi City na kinasasangkutan ng Maute group na konektado sa ISIS.
Ayon kay Panelo karapatan ng Independent Minority Bloc ng Kongreso na pinamumunuan ni Congressman Edcel Lagman na dumulog sa Korte Suprema.
Inihayag ni Panelo na sa pamamagitan lamang ng deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao makakakilos ng mabilis ang gobyerno para masugpo ang terorismong inihahasik ng Maute group.
Iginigiit ni Lagman na walang sapat na batayan ang Martial Law declaration ni Pangulong Duterte dahil ang ginagawa ng Maute group ay isang criminal activities at hindi rebellion o invasion.
Ulat ni: Vic Somintac