MNLF Chair Nur Misuari, inisyuhan ng HDO ng Sandiganbayan
Nag-isyu ng Hold Departure Order ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor at MNLF Chairman Nur Misuari.
Kasama rin sa inisyuhan ng HDO ang apat na iba pang mga dating opisyal ng ARMM.
Pirmado ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ang HDO at inaatasan ang Bureau of Immigration na pigilan ang tangkang paglabas ng bansa ni Misuari.
Bukod kay Misuari, kabilang sa binigyan ng HDO sina dating Department of Education (DEPED)-ARMM Director Leovigilda Cinches, Supply Officer Sittie Aisa Usman, Accountant Alladin Usi at Chief Accountant Pangalian Maniri.
Ang kautusan ng korte ay may kaugnay sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng mga ito hinggil sa maanomalyang pagbili ng ₱137.5 milyon na halaga ng educational materials noong nanunungkulan pa sila sa ARMM.
Nagsabwatan umano ang mga nasabing opisyalpara bumili ng mga educational materials nang walang anumang isinagawang public bidding.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo