Petisyon para atasan ang Kongreso na mag convene paratalakayin ang Martial Law inihain sa SC
Hiniling ng mga kasalukuyan at dating opisyal ng gobyerno sa Korte Suprema na atasan ang Senado at Kamara na mag-joint session para talakayin ang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng batas militar sa Mindanao.
Sa kanilang petition for mandamus, iginiit nila na mayroong constitutional duty ang dalawang kapulungan ng Kongreso na mag-convene para rebyuhin ang proklamasyon ng batas militar.
Pinangunahan nina dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales at dating Solicitor General Florin Hilbay ang paghahain ng petisyon.
Kabilang din sa petitioners sina Senadora Leila de Lima, Constitutionalist Christian Monsod, dating Senador Rene Saguisag, Atty. Alex Padilla, at Atty. Rene Ballesteros.
Ayon sa mga petitioner, dapat madetermina ng mga Senador at Kongresista ang constitutional at factual validity ng Proclamation No. 216 ng Presidente noong May 23.
Una nang inihayag ng liderato ng Senado at Kamara na magconvene lang sila sa joint session kung pagbobotohan nilang irevoke o palawigin ang proklamasyon ng batas militar.
Ulat ni: Moira Encina