Petisyon na ihinain sa SC para sa joint session ng Kongreso kaugnay ng Martial Law isang test case- Petitioner

Isang test case ang inihaing petisyon sa Korte Suprema na humihiling na magsagawa ng joint session ang Senado at Kamara para busisiin ang batayan ng dineklarang Batas Militar sa Mindanao.

Aminado si Atty. Alexander Padilla, isa  sa mga petitioner na ito ang kauna-unahang pagkakataon na may petisyong inihain sa Korte Suprema na humihiling na atasan nito ang dalawang kapulungan ng Kongreso na magdaos ng joint session.

Ito ay bunsod ng tanong kung may jurisprudence o naunang desisyon na ang Korte Suprema na pumapabor sa hiling na pakilusin ang Kongreso na gampanan ang mandato nito.

Una nang idineklara ng Supreme Court sa desisyon nito noong February 5, 2013 sa petisyong ukol sa political dynasty, na hindi nito maaaring atasan ang Kongreso na magpasa ng enabling law laban sa political dynasty dahil ito ay paglabag sa prinsipyo ng separation of powers sa pagitan ng tatlong sangay ng pamahalaan.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *