DOLE pag-aaralan pang mabuti kung tuluyan ng ipagbabawal ang pagpapadala ng OFW sa Qatar
Oobersabahan muna ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kalagayan sa Qatar bago tuluyang ipagbawal sa pagpapadala at pagpapauwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay DOLE Usec. Bernard Olalia, Human Capital and Regional Operations ng DOLE, magpupulong sila ngayong araw para i-assess ang kalagayan sa nasabing bansa.
Pinawi rin nito ang pangamba ng mga OFW dahil hindi kabilang ang Pilipinas na nagputol ng pakikpag-ugnayan sa Qatar.
Magugunitang maraming mga bansa ang nagputol ng pakikpag-ugnayan sa Qatar dahil sa alegasyon na pagsuporta sa teroristang grupo na nauna ng pinabulaanan ng Qatar.
Please follow and like us: