BPI inulan ng reklamo dahil sa unauthorized withdrawal

Inulan ng reklamo ang Bank of the Philippine Islands at maraming kliyente nito ang nag-report na nabawasan ang pera sa kanilang accounts.

Bumaha sa social media ang reklamo ng mga kliyente ng BPI hinggil sa unauthorized transactions.

Ilan sa mga reklamo ay ang nadodobleng debit at iba pang transactions.

Sa post ng isang Jean Tengko, sinabi nitong nawalan siya ng 6,000 sa kaniyang savings account.

Nang  ireport  niya sa BPI, lumabas na mayroong withdrawal transaction noong May 30, gayong hindi naman siya nag-withdraw ng nasabing petsa at nasa kaniya lamang ang kaniyang ATM.

Isang Mhy Mallari naman ang nag-post sa comment box ng BPI Facebook page at sinabing nawalan siya ng P10,000 sa kaniyang savings account.

Pero ayon kay Catherine Sta Maria Vice President for Strategic Marketing ng BPI, nagkaroon lang ng  “internal data processing error at maaring maayos ang sistema ngayong araw.

Sa ngayon, pansamantala munang sinuspinde ang pag-login sa online channels ng BPI  kasama na ang mga automatic teller machine o atm pero patuloy na magbibigay ng serbisyo ang bangko at maaari pa ring magamit ang mga ATM upang ma-access ang account.

Gayunman, kailangan nilang magtungo sa mga branch kung saan sila nagbukas ng account

Maliit na bilang lang din ng kanilang 8 million depositors ang apektado.

Humingi rin ng paumanhin ang BPI sa nangyari at tiniyak na maibabalik ang mga nawalang pera sa mga depositor.

Nanawagan rin ito sa mga bpi account holders na huwag ipost sa social media ang mga bank transactions para hindi magamit sa identity theft.

Hindi rin napasok ng hacker ang BPI at tiniyak na mahigpit ang kanilang seguridad para dito.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *