Sen. Bam Aquino dumepensa sa alegasyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre tungkol sa pagpunta niya sa Marawi City
Kinastigo nina Senador Bam Aquino at Antonio trillanes si Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos silang idawit sa umanoy pag-atake sa Marawi City.
Ayon kay Aguirre, bago ang pag-atake ng Maute group, nagtungo umano sina Trillanes, Aquino at Magdalo Rep. Gary Alejano sa Marawi para makipagpulong sa ilang pamilya doon.
Bwelta ni Aquino, hindi dapat pumapatol si Aguirre sa mga fake news at dapat maglabas ng ebidensya para patunayan ang kaniyang alegasyon.
“Is fake news enough for the head of our country’s Department of Justice to make these outrageous allegations?” To be clear, there was never any meeting among the individuals mentioned by Sec. Aguirre”. – Sen. Aquino
Pero taliwas sa alegasyon ni Aguirre, nasa PICC sa Pasay siya noong May 2 dahil naimbita siyang speaker sa commencement exercises ng PUP at dumalo pa siya ng sesyon.
Nagtungo siya sa Marawi noong May 19, 2017 para sa launching ng kauna-unahang Negosyo Center sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at meron pa siyang military escort.
Katunayan, kasama niya noon sina DTI Secretary Mon Lopez at matataas na opisyal ng militar.
Tinawag naman ni Trillanes na incompetent at stupid si Aguirre dahil sa pagdawit sa kanya sa Maute group.
Maari nitong i-check ang record sa Senado noong May 2 at mahigit tatlong taon na siyang hindi napapadpad sa Marawi City.
Payo ni Trillanes, dapat tigilan na ng kalihim ang paggamit ng facebook bilang intelligence.
“For the record, I am not involved in any way with the Maute group or the Marawi incident. Sec lorenzana said so himself. I also did not have any meeting in Marawi City in May 2 since I haven’t visited Marawi for past 3 years. The incompetence of Aguirre is only matched by his stupidity”. – Sen. Trillanes
Ulat ni: Mean Corvera