MNLF, MILF at NPA hindi dapat payagan ng gobyerno na makipagbakbakan sa mga terorista
Hindi dapat payagan ng gobyerno na sumabak sa bakbakan sa Marawi City ang Moro National at Moro Islamic Liberation Front at iba pang armed group sa Mindanao.
Sa harap ito ng alok ng iba-ibang armadong grupo na tumulong sa mga sundalo para mabilis na makordon ang Maute group.
Pero ayon kay Lacson, lalabag sa batas ang Pangulo kung papayagan ang mga armadong grupo na sumabak sa mga bakbakan dahil tanging ang Armed Forces of the Philippines lang ang pinapayagan ng konstitsuyon.
Kung seryoso aniya ang MNLF na tumulong sa gobyerno, ang kanilang maaring maging papel ay magbigay ng intelligence information sa kinaroroonan o aktibidad ng mga terorista.
Sinabi rin ni Lacson na kontrolado na ng militar ang sitwasyon katunayang nagsasagawa na ito ng mapping up operations.
Posible na hindi na rin matapos ang 60 days na deklarasyon ng Martial Law ay matatapos na ng militar ang clearing operations.
Ulat ni: Mean Corvera