ika-119 na pagdiriwang ng araw ng kalayaan pangungunahan ni Pangulong Duterte, VP Robredo imbitado pero walang papel na gagampanan

Courtesy of Wikipedia.org

Sa Luneta at hindi na sa Kalayaan Island isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pinaka-unang flag raising ceremony para sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa Lunes, June 12.

Sa press briefing sa Malakanyang, inilatag ni National Historical Commission of the Philippines Chairman Rene Escalante ang mga aktibidad para sa ika-119 Independence day.

Pangungunahan ng Pangulo ang flag raising sa Rizal Park Luneta sa umaga na susundan ng vin d’honneur sa Malakanyang sa tanghali habang sa hapon ay ang cultural show at parada ng parangal sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Kasabay nito ay flag raising ceremony sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite na pangungunahan ni Senador Panfilo Lacson, sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City sa pangunguna ni Senador Sonny Angara, sa Barasoain Church sa Malolos Bulacan sa pangunguna ni Senadora  Loren Legarda, sa Pamintuan Mansion sa Angeles City Pampanga kasama si Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistance Secretary Rolando Asuncion.

Sa Manila North Cemetery kasama si Veterans Office Administrator Ernesto Carolina at sa Bonifacio Monument sa Caloocan City sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Walang ibinigay na event schedule kay Vice President Leni Robredo subalit ayon kay Escalante ay inimbitahan naman itong dumalo sa aktibidad sa Luneta at kinumpirma ang pagdalo ng Pangalawang Pangulo.

Magkakaroon din ng flag raising ceremony sa ibat-ibang panig ng bansa na pangungunahan ng cabinet officials.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *