Kasong murder laban sa mga pulis na dawit sa pagkamatay ni Albuera Mayor Espinosa, ibinaba ng DOJ sa kasong homicide
Ibinaba ng DOJ sa homicide mula sa murder ang kaso na inihain laban sa mga pulis na akusado sa pagpatay kay Albuera, Mayor Rolando Espinosa.
Sa mosyon na inihain ng Leyte Provincial Prosecutors Office sa Baybay City Regional Trial hiniling na maamyendahan ang nauna nang kaso na inihain laban sa grupo nina Police Superintendent Marvin Marcos.
Kabilang sa hiniling na maibababa sa homicide ang kaso bukod kay Marcos ay sina Supt. Noel Matira, Chief Inspector Leo Laraga, SPO4 Melvin Cayobit, PO3 Johny Ibanez at sampung iba pang pulis.
Ang mosyon na may lagda ni Leyte Provincial Prosecutor Ma. Arlene Hunamayor-Cordovez ay kasunod ng resolusyon ang DOJ noong May 29 kaugnay sa inihaing petition for review ng mga akusado.
Kung papaboran ng Baybay RTC ang mosyon ng piskalya, maaring pansamantalang makalaya ang grupo ni Marcos dahil ang homicide ay isang bailable offense.
Ulat ni: Moira Encina