May-ari ng Mighty Corporation naghain ng kontra salaysay sa DOJ

Courtesy of Wikipedia.org

Naghain ng kontra salaysay sa DOJ ang may-ari ng Mighty Corporation na si Alexander Wongchuking kaugnay sa ikalawang tax evasion complaint na isinampa laban sa kanya ng BIR.

Personal na pinanumpaan ng negosyante sa DOJ panel of prosecutors ang kanyang counter-affidavit na ukol sa 26.93 billion pesos na sinasabing utang nito sa buwis dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa mga pakete ng sigarilyo ng kumpanya nito.

Hiniling nito sa DOJ na ibasura ang kaso laban sa kanya dahil sa iligal ang paghalughog ng Bureau of Customs sa warehouse ng Mighty Corporation sa San Ildefonso, Bulacan.

Ayon sa abogado ni Wongchuking na si Abraham Espejo, hindi maaring tanggapin bilang ebidensya ang mga nasabat sa operasyon dahil sa iligal ang proseso ng ginawang raid.

Posibleng imbento lang aniya ang mga nasamsam na ebidensya.

Kaugnay nito hiniling din ng kampo ng negosyante na pagsama-samahin ang tatlong tax evasion case na kinakaharap ng Mighty Corporation.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *