Militar maglalagay ng watawat ng Pilipinas sa Philippine Rise sa Araw ng Kalayaan

Courtesy of Wikipedia.org

Maglalagay ng underwater Philippine flag ang militar sa Benham Rise, na ngayong ay kilala na bilang  Philippine Rise, sa darating na Independence Day.

Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, Spokesman ng Armed Forces Northern Luzon Command, ang aktibidad na ito ay para ipakita ng bansa ang patriotic ownership sa Maritime Zone at strategic value ng lugar.

Itutusok ng mga military diver ang flag, 54 meters below sea level sa isang cement foundation.

Gawa sa fiberglass ang flag habang ang poste ay gawa sa stainless steel.

Ipagdiriwang ng Pilipinas ang ika-119 Independence day sa darating na Lunes, June 12.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *