Comprehensive Eye Examination, mahalaga, para mapangalagaan ang mga mata ayon sa mga experto
Konektado ang mga mata sa buong katawan kung kaya, mahalagang naiingatan ang mga ito.
Habang nagkaka edad ang isang tao, lalo at pagsapit ng edad 40, lumalabo na ang paningin.
Ang tawag dito ay Presbyopia.
Ibig sabihin, humihina ang pag focus ng mga mata sa malalapit na bagay.
Dalawa ang espesyalista sa mata. Ang isa ay Opthalmologist at ang isa naman ay Optometrist.
Kapag kailangan ng salamin, o kaya ay duling o banlag ang mga mata, magtungo tayo sa Optmetrist, maitutuwid nila ito ang nabanggit na diprensiya ng mata.
Ngunit, kapag ang problema naman sa mata, halimbawa ay Catarata o kaya ay Glaucoma, o kaya ay simpleng panunuyo ng mga mata o dry eyes, sa Opthalmologist dapat na komunsulta.
Ayon kay Dr. Allan Lusung, isang Optometrist, kung magpapa check up ng mga mata, mas mainam na ang gawin ay ang tinatawag na Comprehensive Eye Examination o C-E-E.
“Marami pa po kasing problema ang mga mata natin, bukod dun sa pagiging malabo, nanjan ung sakit sa ulo, depende pa kung saan parte ng ulo masakit, meron naman mga nasisilaw at meron mga tao na nagtataka kung bakit hindi sila nakakatagal sa pagharap sa computer, mabilis napapagod ung mata nila, eto po ung mga bahagi na tinitingnan kapag tayo ay nagpe perform ng comprehensive eye examination.” – Dr. Allan Lusung, Optometrist
Tandaan natin, ang mga mata ang windows of our soul, kung may nararamdamang sakit sa mata, huwag itong ipagwalang bahala.
Ulat ni : Anabelle Surara